Kinumpirma kahapon ng Philippine Air Force (PAF) na nakapiit sa loob ng Villamor Air Base (VAB) sa Pasay City ang 22 sundalo na sangkot sa isang hazing incident noong Agosto.

Sinabi ni PAF spokesman Lt. Col. Enrico Canaya, ang 22 sundalo ay sinampahan na ng kaso. Siyam dito ang inirekomendang itiwalag sa serbisyo habang ang 13 ay isasailalim sa preliminary investigation.

Tumanggi si Canaya na pangalanan ang mga tauhan ng PAF dahil sa nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, sinabi lamang na ang mga nasangkot na sundalo ay mula sa PAF Officers Candidate Course na naka-base sa Lipa City.

Ayon sa ulat, naganap ang hazing sa Lipa City, Batangas noong nakaraang Agosto habang isinasagawa ang pagsasanay ng mga sundalo. Kumalat ang balita tungkol dito sa Internet at agad nagpadala ng investigating body ang PAF at dito nila nabatid na sangkot nga sa hazing ang 22 miyembro ng PAF.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Natuklasan din na may mga trainee ang naka-confine sa ospital dahil sa kanilang mga sinapit na bugbog sa hazing.

Sinabi ni Canaya na mariing kinondena ng pamunuan ng PAF ang hazing at hindi nila pinapayagan ang ganitong mga gawain sa kanilang mga tauhan.

Nilinaw naman ni Canaya na ang pananatili ng 22 piloto sa Villamor Air Base ay para makadalo ang mga ito sa pagdinig sa kanilang kaso.