Kalaboso ang isang bagitong miyembro ng Philippine National matapos magwala at magpaputok ng baril sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Si PO1 Michael Sean Tabarangao, 25, naninirahan sa Phase 3, F1, Block 30, Lot 92, Barangay 8, ng nasabing lungsod, nakatalaga sa R1-National Capital Regional Police 0ffice (NCRPO), Camp Bagong Diwa, Taguig, City, ay nahaharap sa mga kasong illegal possession of fire arm (Violation of RA-10591) at Alarm and Scandal ( Violation of Article 155).

Ayon kay PO2 Edgar Manapat ng Station Investigation Division ng Caloocan Police, bandang 9:00 ng gabi, lasing umano si Tabarangao na lumabas ng bahay bitbit ang baril at naghamon ng away saka walang habas na nagpaputok.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20