Haylie Duff

MAGKAKAROON na ng pamangkin si Hilary Duff sa kanyang nakatatandang kapatid na si Haylie Duff.

Kinumpirma ng tagapagsalita ni Haylie sa US Weekly na paparating ang baby girl sa buhay ni Haylie at ng fiancé nitong si Matt Rosenberg.

Kinumpirma ng soon-to be mom ang kanyang pagdadalantao sa Instagram at ipinahiwatig na ito ay isang babae, ibinahagi ang larawan ng isang maliit na sapatos na kulay pink. At sinabing "Happiest girl in the world! Finally can let everyone know that Matty @mr_sts and I are expecting! #BabysFirstJordans,"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Walang duda na magiging isang dakilang magulang si Haylie, na siya ring nag-alaga sa anak ni Hilary na si Luca.

Kasabay ng Thanksgiving nitong nakaraang linggo, ipinakita nito ang isang litrato habang sila ay nagbi-bake nina Hilary at ng anak ni Mike Comrie na may caption na: "Baking #Thanksgiving cookies with my favorite little man!"

Matatandaang inihayag nina Haylie at Rosenberg ang kanilang planong pagpapakasal noong Abril sa Instagram na may kalakip na larawan nila.

"This week has seriously just become the best week of my life!" paglalahad ni Haylie sa Real Girl’s Kitchen blog matapos ihayag ang nasabing balita. "As if announcing The Real Girl's Kitchen tv show wasn't enough, Matt just took me by total surprise and proposed…on April Fool’s Day of all days! The moment was genuine and sweet (like him!) and I couldn’t wait to say yes! We are so excited and happy to share our wonderful news with everyone!" patuloy niya. "We both feel so blessed to have the love and support of our family and friends and can’t wait to start this new adventure!"

Nitong nakaraang linggo ipinagdiwang nila ang kanilang anibersaryo sa Hawaii. Sa isang romantikong larawan habang nakatanaw sa beach sinabi niyang: "Happy Anniversary to the greatest man I know. I'm lucky to be yours. @mr_sts." (US Weekly)