Valerie Weigmann

ILANG araw na lang at malalaman na kung sino ang papalit sa tronong babakantehin ni Megan Young, ang unang Pinay beauty na nakasungkit ng elusive blue crown ng Miss World.

Nasa London na si Valerie Weigmann, ang reigning Miss World Philippines, at nakikipag-compete sa iba’t ibang challenge events ng Miss World 2014 tulad ng Beach Fashion, Talent Competition, Sports & Fitness, Beauty with a Purpose, Top Model, at Multimedia.

Nakalulungkot lang dahil mukhang hindi masyadong pinapaboran ng mga hurado ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss World 2014.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sa katatapos na Top Model, wala sa listahan si Valerie. Ang napabilang sa Top 20 ay ang mga kandidata ng Hungary, India, Mongolia, India, Zimbabwe, Australia, Czech Republic, Bosnia & Herzegovina, Domican Republic, South Sudan, France, Namibia, Scotland, Turkey, Russia, Mexico, Puerto Rico, Croatia, South Africa, at China.

Maging sa World Designer Fashion Competition, wala rin ang former segment host ng “Juan for All, All for One”. After the scores were tallied, nasungkit ni Miss India ang karangalan at nasundan nina Misis Scotland at Dominican Republic.

Hinanap din namin ang pangalan ni Val para sa 32 beauty delegates na kasali sa sports event pero hindi rin siya napasama. Pero bumawi naman ang former PBB housemate sa Current Top 10 ng Miss World People’s Choice along with Australia, Barbados, Chad, Haiti, India, Nepal, South Africa at Thailand. As the days go by, tiyak na mababago pa rin ang ranking nito. Kaya keep on voting by visiting the Miss World official site para hindi malaglag ang kinatawan ng bansa natin.

Bago nanalo si Megan bilang Miss World 2013, pumasok siya sa halos lahat ng segments kaya alam ng mga sumubaybay sa kanya na malaki ang kanyang chance sa titulo at korona. Kabaligtaran ang nangyayari kay Valerie ngayon, but we’re still keeping our fingers crossed na may milagrong magaganap sa gabi ng pageant sa ExCel London sa England, UK sa December 14.

May ilan pang naiiwang segments na ipinagdarasal naming mapansin at mapasama si Valerie tulad ng Beauty with a Purpose, Multimedia at People’s Choice.

Ang tanong: will it be a back-to-back win para sa Pilipinas? Let’s pray hard para matupad naman ang pangarap ng maraming beauty enthusiasts na makamit ng bansa ang isang back-to-back win courtesy nina Megan at Valerie.