Nobyembre 30, 1936 nang lamunin ng apoy ang buong Crystal Palace sa London, England. Nagsimula ang sunog sa narinig na pagsabog sa silid ng kababaihan, na mabilis na kumalat dahil sa malakas na hangin. Maging ang 89 na fire truck at halos 400 bombero ay nahirapang apulahin ang apoy.

Tanaw ang pagliliyab sa walong lungsod sa London, at dumagsa ang may 100,000 katao sa Sydenham Hill para panoorin ang sunog. Nang makita ni noon ay British Prime Minister Winston Churchill ang paglamon ng apoy sa Crystal Palace, sinabi niya, “This is the end of an age.”

Taong 1851 nang itinayo ang Crystal Palace sa Hyde Park para pagdausan ng Great Exhibition ng taong iyon. Noong 1854, inilipat ang gusali sa isang parke sa Penge Common, malapit sa Syndenham Hill.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS