TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Nag-alok si Cagayan Gov. Alvaro Antonio ng P200,000 pabuya sa sinumang maaaring makapagbigay ng impormasyon at makapagturo sa kinaroroonan ng mga taong nasa likod ng sunud-sunod na pagpatay sa lalawigan.

Ayon kay Antonio, marami nang kaso ng pagpatay ang hindi magawang resolbahin ng pulisya at hangad nilang himukin ang publiko na tumulong sa pagresolba o pagsugpo sa krimen.

Batay sa datos ng pulisya, may 15 pagpatay mula noong Enero hanggang sa kasalukuyan at dalawa lang sa mga ito ang nalutas.

”We need to address this concern as we are already affected by the series of killings. Our image as a peaceful province is already damaged, and our tourism, trade and commerce are also affected,” anang gobernador.
National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'