TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Bagamat maliit na lalawigan lang ang Quirino kumpara sa mga katabing Nueva Vizcaya, Cagayan at Isabela ay naitala nito ang pinakamaraming dalagitang nabuntis mula 2011 hanggang 2013 na umaabot sa limang porsiyento, ayon kay Commission on Population (PopCom) Director Angelito Obcena.

Sinabi ni Obcena na mga edad 13-19 ang maagang nabubuntis sa hanay ng out of school youth, at estudyante sa high school at kolehiyo.

Aniya, pumangalawa sa Quirino ang Cagayan, na nakapagtala ng 4.2 porsiyento, kasunod ang Isabela, 4.1 porsiyento; Batanes, 3.7 porsiyento; at Nueva Vizcaya, 3.5 porsiyento.

Nanguna naman sa young adult pregnancy ang Isabela, na umabot sa 12,970, kasunod ang Cagayan, 10,451; at Nueva Vizcaya, 3,166.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS