Ipinag-utos ni Southern Police District (SPD) acting Director Chief Supt. Henry Ranola Jr. sa Makati City Police na paigtingin ang pagbabantay at pagpapatrulya sa paligid ng Chinese Embassy sa lungsod.

Ang nasabing utos ni Ranola ay bunsod ng inaasahang kilos-protesta ng iba’t ibang grupong militante at pribado sa harap ng embahada para iprotesta ang patuloy na reclamation activity at panghihimasok ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Mahigpit na utos ng SPD sa Makati PNP na tutukan at i-monitor ang sitwasyon at seguridad sa naturang tanggapan.

Oktubre ngayong taon nang nagpadala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng note verbale sa China bilang protesta kaugnay ng mga aktibidad ng bansa sa Fiery Cross Reef at Kagitingan Reef na bahagi naman ng Kalayaan Group of Islands.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Inaalam din ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung airstrip nga ba ang itinatayo ng China sa mga nabanggit na lugar base sa mga ulat na may isinasagawang artificial island project umano ang nabanggit na bansa sa Fiery Cross Reef.