Kritikal sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH) ang isang anim na taong gulang na lalaki matapos siyang mabaril ng 10-anyos niyang kalaro sa Cotabato City.

Ayon sa ulat ng Cotabato City Police, tumama sa kaliwang bahagi ng ulo at tumagos sa mata ng Grade 1 pupil na biktima ang bala ng 12-gauge shotgun na ipinutok ng kalaro niyang mag-aaral sa Grade 3.

Batay sa pahayag ng saksi na hindi nabatid ang pangalan, magpapakain ng manok ang suspek at sumama ang biktima nang makakita ang dalawa ng sumpak na kanilang pinaglaruan.

Sa kalagitnaan ng paglalaro, itinutok ng suspek ang baril sa ulo ng kalaro at hindi alintana kung may bala at ipinutok ito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang dapat managot sa insidente.