Sinampahan kahapon ng kasong plunder at graft sa Office of the Ombudsman si House Majority Leader Neptali Gonzales II kaugnay umano’y maanomalyang paggamit ng P315 milyon mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) mula 2007 hanggang 2009.

Ang nasabing kaso ay isinampa ng grupong “Sentinels of the Rule of Law”.

Binanggit ng grupo sa kanilang 63-pahinang reklamo na pinupuntirya lamang ng pamahalaan ang mga miyembro ng oposisyon na kasangkot sa pork barrel fund scam pero ang mga kaalyado nito ay hindi kinakasuhan sa nasabing usapin.

“Is it because Congressman Gonzales is one of the pillars of the ruling Liberal Party … that the prosecutorial arms of the government refrain from investigating and prosecuting criminal cases against him?” bahagi ng reklamo.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Ayon sa grupo, ibinatay nila ang kanilang reklamo sa inilabas na special audit report ng Commission on Audit (COA) na nagsaaad na nagkaron ng mga deficiency ang mga pork barrel project ni Gonzales at binanggit ang mga ghost project kung saan itinatanggi ng mga supplier ang kanilang transaksiyon.

“Ang tuwid na daan ay hindi lang dapat para sa kalaban kundi para sa mga kaalyado,” pagdidiin ni Jefferson Indap, ang tagapagsalita ng grupo.