Nag-alok ng kalahating milyon na pabuya ang lokal na pamahalaan at pribadong sektor para sa ikadarakip ng suspek sa paggahasa at pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Mariveles, Bataan.

Naglaan ng P300,000 ang lokal na pamahalaan at P200,000 naman ang pribadong sektor bilang pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon para sa kinaroroonan ng suspek.

Nobyembre 20 nang matagpuan ang sunog na bangkay ng biktima matapos patayin sa Bgy. Balon Anito, Mariveles, Bataan.

Inilibing na noong Martes ang biktima na ginahasa bago pinatay ng hindi kilalang suspek na pinaniniwalaang lulong sa ipinagbabawal na gamot.
National

Rep. Roman, dismayado sa pahayag ni VP Sara: ‘We should not equate being gay with being weak!’