Wala nang buhay nang matagpuan ang isang mag-ina na pinaniniwalaang pinalo ng dos por dos na kahoy ng hindi pa kilalang suspek sa loob ng kanilang bahay sa Pasay City, noong Miyerkules ng gabi.

Labis ang hinagpis ng kaanak ng mga biktima na sina Rayda Payno, 22, at anak nitong si Victoria, dalawang taong gulang, residente sa Mahogany Street, Barangay Sto. Niño.

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, pasado 7:00 ng gabi nadiskubre ang duguang bangkay ng ginang at paslit na anak sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa nabanggit na lugar.

Narekober ng awtoridad ang isang piraso ng dos por dos na kahoy na may bahid pa ng dugo na pinaniniwalang ginamit ng suspek sa paghataw sa ulo nang mag-ina na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa pahayag sa pulisya ng pamilya, wala silang nalalamang kaaway ni Rayda kaya hindi nila batid ang motibo sa krimen.

Inaalam ng Pasay Police kung may nawawalang gamit ang ginang at posible rin na nakilala nito ang suspek na nauwi sa pamamaslang.