Madonna

BLANTYRE, Malawi (AP) — Bumiyahe patungong Malawi si Madonna sa unang pagkakataon upang gawin ang isang misyon.

Inilunsad ni Madonna ang 50-bed pediatrics ward sa Queen Elizabeth Central Hospital sa Blantyre noong Huwebes. Ayon kay Sarah Ezzy, director ng Raising Malawi, ang bagong pasilidad ay unang pediatric intensive care unit sa bansa.

Tinanggal ni noon ay Malawi president na si Joyce Banda ang pagtrato bilang VIP kay Madonna (noong nakaraang taon) at itinuring na ordinaryong pasahero. Pero ibinalik ng bagong Malawi president na si Mutharika ang VIP status ng singer. Ayon sa tagapagsalita ng presidente, ang buong bansa ay humanga kay Madonna dahil sa ibinigay nitong tulong.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sinusuportahan din ni Madonna ang ilang charity—kabilang na ang bahay-ampunan, eskuwelahan at ospital sa Malawi