Pinatawan ng sampung taong pagkakakulong si dating Tunga, Leyte mayor Amando Aumento Sr. at tatlong iba pang opisyal ng nasabing bayan dahil na rin sa maanomalyang pagbili ng heavy equipment na nagkakahalaga ng P1.1 milyon noong 2005.

Ang nasabing desisyon ay pirmado ni Associate Justice Efren Dela Cruz na nagsabing kabilang din sa pinatawan ng pagkakapiit sina municipal accountant Lea Requiez, municipal treasurer Julita Falguera, at Alejo Costelo, chairman ng Bids and Awards Committee (BAC).

Gayunman, pinawalang-sala ng hukuman sina Aumento, Requieza at Falguera sa malversation through falsification case.

Ibinasura rin ng korte ang kasong graft laban kay Joshua Rey Garrido, supplier ng of the heavy equipment, bunsod na rin ng kakulangan ng ebidensya.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Nag-ugat ang usapin nang bilhin ng pamahalaang bayan ni Aumento ang nasabing farm tractor sa halagang P1.1 milyon sa pamamagitan ng direct contract noong Agosto 17, 2005.

“The Commission on Audit (COA) discovered that there was no competitive bidding conducted by the local officials, with the direct contracting implemented without complying with its conditions,” sabi ng hukuman.