MONTREAL (AFP)— Nililigawan ng Canadian smartphone maker na BlackBerry ang mga kustomer ng Apple sa alok na cash kapalit ng kanilang mga iPhone para sa kanyang bagong square-screened, keyboardequipped na Passport.

Inihayag ang promosyon noong Lunes ng gabi at magiging available simula sa susunod na buwan hanggang sa Pebrero 13, sa Canada at United States.

Ang mga kustomer na ipagpapalit ang kanilang mga iPhone ay tatanggap ng $400 cash depende sa model at kondisyon ng kanilang trade-in, bukod pa sa $150 gift card.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ito ay nagmamarka ng unang pagkakataon na binabangga ng BlackBerry ang Apple simula nang ilunsad ng Canadian firm lang turnaround plan noong nakaraang taon mula sa matinding pagkalugi.

Ang Passport ay inilunsad noong Setyembre.