Sa kagustuhang makita ang ina, hinostage ng 32 anyos na lalaki ang isang sales lady sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Sa panayam kay Chief Insp. Reynaldo Medina Jr., hepe ng Bagong Barrio Sub-Station 1 (SSI) ng Caloocan Police Station, 20 minuto lamang ang itinagal ng hostage drama kung saan kaagad niyang nadakip ang suspek na si Joshua Jerico Ramirez, ng Raja, Bago, Tondo Manila.

Kaagad namang dinala sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktima na si Danica Dacer, 19, ng No. 154 North Diversion Road, Barangay Bagong Barrio, Caloocan City matapos magtamo ng maliit na sugat sa leeg.

Ayon sa mga nakakita, bandang 8:00 ng umaga, naglalakad si Dacer sa tapat ng ukay-ukay sa BMC Barangay 86, Bagong Barrio, Caloocan City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Biglang sinunanggaban ni Ramirez ang dalaga at tinutukan ng maliit na screwdriver na naging dahilan para mataranta ang mga naroroon.

Rumesponde ang mga tauhan ng Special Reaction Unit - Special Weapons and Tactics (SRU-SWAT) pati na sina Major Medina.

Sinabi ng hostage taker na kailangan niyang makausap ang kanyang nanay, pero hindi naman sinasabi ng una kung saan mahahanap ito.

Inutusan ni Major Medina na ang dalawang SRU-SWAT na kausapin ang suspek para dito mabaling ang atensiyon ng huli.

Nang makakuha ng tyempo si Medina, agad nitong sinunanggaban si Ramirez hanggang sa magpambuno ang mga ito at mabitiwan niya si Dacer.