Hiniling ni dating Makati Mayor Elenita Binay sa Sandiganbayan na payagan itong makabiyahe sa Japan ngayong Disyembre upang makapagbakasyon.

Nagsumite ang maybahay ni Vice President Jejomar Binay sa Sandiganbayan Fifth at Fourth Division ng motion for authority to travel upang makaalis ito ng bansa.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Mrs. Binay na nais nitong makapagbakasyon sa Tokyo mula Disyembre 18 hanggang 23.

Habang nasa Tokyo, sinabi ng dating alkalde na mananatili ito sa Shangri-La Hotel.

National

VP Sara, pinayuhan mga Pinoy na maging matalino sa pagboto sa susunod na eleksyon

Sinabi pa ni Mrs. Binay na handa itong tanggapin ang mga kondisyon na dating inilatag ng korte at agad ding ipaaalam nito kung siya ay nakabalik na sa Pilipinas.

Si Elenita Binay ay kasalukuyang nahaharap sa kasong three counts ng paglabag ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa umano’y “overpricing” ng mga office equipment na nagkakahalaga ng P107 milyon na hindi rin idinaan umano sa public bidding noong 1999 hanggang 2000.