ANGELINA Jolie

NATURAL lamang ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagsasama ng mag-asawa. Maging ang celebrity couple na sina Angelina Jolie at Brad Pitt ay hindi nakaligtas sa pagsubok bilang mag-asawa. Sa panayam kay Tom Brokaw na iniere noong Martes sa Today, inamin ni Jolie na sa kabila ng matagal na pinagsamahan, ang relasyon nilang mag-asawa ay nagbago nang magpakasal sila.

“It did change,” pagsisiwalat ni Angelina, 39. “We were fortunate enough to be in that unusual situation, we got married with our [six] children and they were part of the ceremony.”

Matatandaan na naging parte ng kanilang kasal ang kanilang anim na anak. Sinamahan nina Maddox, 13 at Pax, 10, ang kanilang ina nang maglakad patungo sa altar, naging flower girls naman sina Zahara, 9, at Vivienne, 6, at naging ring bearers sina Shiloh, 8, at Knox, 6.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sabi pa ni Angelina, “It was all of us agreeing to be together and to just commit to this life together. Not because we had to... because we were absolutely sure we felt that much of a family.”

Inamin ng Unbroken director na nagkaroon siya ng sariling pangarap simula ng ikasal sila ni Brad Pitt.

“We have more moments where I say, ‘I’m going to be a better wife’,” paliwanag ng Oscar winner. “’I’m going to learn to cook.’ and [Brad] says, ‘Oh, honey, know what you’re good at.’ ... But I do like, ‘No, no, no, I’m going to get this wife thing down.’ He knows my limitations and where I’m a good wife and a good mom.” - Yahoo News/Celebrity