TIYAK na magugustuhan ng hopeless romantics na music lovers ang love story na bagong obra-maestra ng blockbuster filmmaker na si Bb. Joyce Bernal, ang de-kalidad at mala-pelikulang music video na nilikha niya para sa carrier single ng folk-pop maestro ng Star Music na si Darryl Shy.

Ang film-like music video o “filmeo” ng revival ni Darryl sa Ang Pag-ibig Kong Ito (original ni Leah Navarro) ay pinagbibidahan ni Alex Medina na gumaganap bilang lalaking binuo ngunit kalaunan ay winasak ng kanyang minamahal.

Ang filmeo na may exclusive premiere sa MYX SkyCable Channel 23 ngayong araw, 6:00 PM, ay konsepto ng Star Music head na si Roxy Liquigan at ng misis ni Darryl na si Anne Angala-Shy. Co-director ni Direk Joyce si Victor Villanueva sa paglikha ng filmeo na nagtatampok din sa mga kapwa contestants ni Darryl sa The Voice of the Philippines Season 1 na sina Paolo Onesa, MJ Podolig, at RJ Pangilinan.

Ang filmeo ng Ang Pag-ibig Kong Ito ayon kay Darryl ay tila family affair na pinamumunuan ng direktor na kaibigan at abay sa kasal ni Darryl at ng kanyang misis.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Ginawa ang music video ng mga taong malapit sa amin, mga kaibigang parang kapamilya na. Mula concept, casting hanggang shooting, kami-kami nag-brainstorm at nag-execute,” ani Darryl.

“Mararamdaman, maririnig, at makikita sa music video ang mensahe ng awit na tungkol sa kapasidad ng isang lalaking magmahal at kung paano siya winasak ng pag-ibig,” paliwanag niya.

Umaasa ang resident country singer ng Star Music na sa pamamagitan ng kanyang record label ay maibabahagi niya ang kanyang musika sa mundo.

“Gusto sana namin na maabot lahat -- mga nakikinig ng radyo, nanonood ng TV, mga nasa Internet -- kahit sino at kahit saan,” pahayag ni Darryl na naglunsad ng kanyang self-titled, five-track debut album sa ilalim ng Star Music kamakailan.

“Ang album at ang music video ko ay paraan ng aking pasasalamat sa mga tunay na sumuporta at nagtiwala sa akin mula The Voice noong nakarang taon, at sa mga patuloy na sumusuporta ngayon,” aniya.

Available ang album ni Darryl sa record bars nationwide sa halagang P199 lamang. Ang digital tracks nito ay maaaring ma-download sa iTunes, Mymusicstore.com.ph, at Starmusic.ph.