SURIGAO CITY – Isang barangay chairman ang binaril nang malapitan at napatay ng isang hindi nakilalang suspek sa Purok 1, Barangay Lipata, sa Surigao City, inaiulat ng pulisya kahapon. Kinilala ng Police Regional Office (PRO)-13 ang napaslang na si Lucrisio Mesias, 50, chairman ng Bgy. Lipata, Surigao City.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 8:30 ng gabi noong Linggo, nakaupo si Mesias sa waiting shed sa tapat ng kanyang bahay nang lumapit ang hindi nakilalang suspek at pinagbabaril siya nang malapitan.

Nakarekober ang mga tauhan ng Surigao City Police Office (SCPO) at Scene of the Crime Operations (SOCO) ng tatlong basyo ng .45 caliber pistol sa pinangyarihan ng krimen, ayon sa PRO-13.

Dinala ng mga kapitbahay ang biktima sa Surigao City Hospital pero hindi na siya umabot nang buhay, anang SCPO report.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nag-iimbestiga pa ang SCPO, pero naniniwala ang pulisya na personal na alitan ang motibo sa pagpatay. - Mike U. Crismundo