Hinihiling ng isang kongresista sa House Committee on Agriculture and Food na magsagawa ng pagsisiyasat hinggil sa mga ulat na ilang katutubong produkto tulad ng bigas mula sa Cordillera, ang nawawala na sa mga pamilihan.

Ayon sa mambabatas, ang naglalahong mga uri ng bigas ay ang tinatawag na “chong-ak”, “imbucan”, at “ominio.”

Sinabi ni Rep. Rufus B. Rodriguez (1st District, Cagayan de Oro City), may-akda ng House Resolution 1598, kasamang nawawala sa pamilihan ang “alamid” coffee na mula dumi ng isang uri ng paniki, ang Philippine palm civet; “sinarapan,” isang maliit na uri ng isda na matatagpuan lamang sa Lakes Bato at Buhi sa Camarines Sur; ang “kabog,” isang uri ng seeded cereal plant na kilala bilang millet sa ibang mga bansa at ang “budbod kabog,” isang maitim na katutubong bibingka mula sa “kabog.” “There is a need to look into this matter to determine the laws needed to ensure the continued existence of these endangered food varieties,” ayon kay Rodriguez.
National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro