Mga laro ngayon:

(Smart Araneta Coliseum)

4:15pm -- Globalport vs. San Miguel Beer

7pm -- Rain or Shine vs. NLEX

National

PhilHealth, pumalag sa mga alegasyon; <b>₱138M hindi raw para sa Christmas party</b>

Makamit ang pansamantalang pamumuno ang tatangkain ng San Miguel Beer sa kanilang pakikipagtuos sa Globalport ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2015 PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Kasalukuyang kasalo ng Alaska sa pangingibabaw hawak ang barahang 6-1, panalo-talo, target ng Beermen na maiposte ang ika-apat na sunod at pampitong pangkalahatang panalo upang masolo ang liderato.

Huling ginapi ng Beermen ni coach Leo Austria ang Kia Sorento noong nakaraang Nobyembre 19 sa iskor na 90-74.

Sa kabilang dako, hangad naman ng Batang Pier na dugtungan ang naitalang 105-97 na panalo sa Talk `N Text sa nakaraan nilang laban upang makapantay sa ikatlong posisyon sa Tropang Texters at Purefoods Star Hotshots na angat lamang sa kanila ng isang tagumpay sa taglay na barahang 5-3, panalo-talo.

Ganap na alas-4:15 ng hapon ang pagtatapat ng Globalport at ng San Miguel Beer na agad namang susundan ng tampok na laro sa pagitan ng Rain or Shine at ng baguhang NLEX sa ika-7 ng gabi.

Kaparis ng Beermen, target din ng Elasto Painters na hatakin ang nasimulang 3-game winning streak sa apat sa nabuhayang Road Warriors na nakuhang bumalik sa winner`s circle makaraang sumadsad sa tatlong sunod na kabiguan nang kanilang gapiin ang baguhang Blackwater noong nakaraang Biyernes saYnares Sports Center sa Antipolo City.

Sa nasabing laban, nagpahiyang ang Road Warriors team skipper na si Asi Taulava at nagsuot ng lumang modelo ng sapatos na Chuck Taylor at naging malapit naman sa kanila ang suwerte.

Ngunit higit sa suwerte, inaasahan ni coach Boyet Fernandez na ipagpapatuloy ni Taulava ang kanyang pagiging lider ng koponan na magsisilbi nilang gabay at inspirasyon

Bukod dito, hangad din niya na magkaroon ng consistency sa laro ng kanyang koponan sa nalalabi pang apat nilang laro sa eliminations para umabot sa target nilang susunod na round.

``I hope we continue improving every game,”ani Fernandez. ``Being consistent both on offense and defense is what we need.”