Swiss team, from the left, Marco Chiudinelli, Roger Federer, coach Severin Luthi , Stanislas Wawrinka, and Michael Lammer hold the trophy after winning the Davis Cup final at the Pierre Mauroy stadium in Lille, northern France, Sunday, Nov. 23, 2014. Federer won 6-4, 6-2, 6-2 to give Switzerland a 3-1 lead and victory. (AP Photo/Peter Dejong)

LILLE, France (AP) – Sa wakas ay nakopo na ni Roger Federer ang lahat ng malalaking premyo sa tennis, at, sa unang pagkakataon, masaya siyang makikihati sa tropeo sa iba pa.

Tinapos ni Federer ang isang linggo ng walang kasiguraduhan tungkol sa kanyang likod sa pagpapakita ng isang vintage performace upang bigyan ang Switzerland ng emosyonal na panalo laban sa France at ang una nitong Davis Cup.

Ang kanyang 6-4, 6-2, 6-2 na pagwawagi kontra Richard Gasquet sa unang reverse singles kahapon ang nagselyo sa hindi na mahahabol na 3-1 bentahe. Ito rin ang naging huling resulta, at hindi na inilaro ang final match sa pagitan nila Gael Monfils at Stan Wawrinka.

ALAMIN: Pagbabago sa holiday schedule sa ilang public transportation sa Metro Manila

Tumagal ng 15 taon ang paghihintay ng dating top-ranked na si Federer upang makuha ang tagumpay sa Davis Cup makaraang maglaro rito sa unang pagkakataon noong 1999. At hindi na naging sorpresa nang siya ay maging emosyonal makaraang mai-convert ang kanyang unang match point, napaluhod at pagkatapos ay humiga sa court bago niyakap ang team captain na si Severin Luthi at mga kakampi.

‘’At the end, it’s a tennis match, you feel great emotions. You’re unbelievably happy and relieved,’’ saad ng tuwang-tuwang si Federer. ‘’We wanted this clearly very badly, especially being up 2-1. You inch yourself closer and closer. Clearly seeing Stan out there, the rest of the team supporting you, gives you an extra push. It was definitely one of the better feelings in my career, no doubt about it. So much nicer to celebrate it all together.’’

Makarang umatras mula sa ATP World Tour Finals sa London noong nakaraang linggo, marami ang nagduda tungkol sa partisipasyon ni Federer kontra sa mga French. Tinira niya ang bola sa unang pagkakataon sa indoor clay court noong Miyerkules at tila anino na lamang ng kanyang dating sarili nang durugin ni Monfils sa singles event noong Biyernes.

Ngunit agad namang gumanda ang kanyang porma, at nagbalik sa dating kundisyon sa doubles noong Sabado kasama si Wawrinka upang ibigay sa mga Swiss ang 2-1 na abante.

Si Federer, na piniling maging low profile buong linggo, ay puno ng papuri para kay Wawrinka.

Noong 2013, pinangunahan ni Wawrinka ang Switzerland sa World Group playoff sa pagkawala ni Federer, upang bigyan ang kanyang bansa ng tsansa para sa tropeo ngayong taon. Siya rin ang nakakuha ng unang puntos para sa Switzerland nang talunin si Jo-Wilfried Tsonga.

‘’Stan has put in so much effort over the years and played an unbelievable weekend that gave me the opportunity today,’’ ani Federer.

‘’I’m very much aware of that. This one is for the boys. It’s not for me. I’ve won enough in my career and did not need to tick any empty boxes. I’m just happy for everybody else. I’m happy we could live a great tennis historic moment in our country.’’

Gumugol ng 302 linggo sa ituktok ng isport, napaiyak si Federer bago tinanggap ang kanyang tropeo kasama ang mga kakampi. Ngunit inamin niyang ang mga emosyon ay hindi kasing tindi nang mapanalunan niya ang unang titulo sa Grand Slam noong 2003.

‘’You can’t compare. When I won Wimbledon, it was a total shock honestly,’’ aniya. ‘’Davis Cup is something that I knew was possible at some stage in my career.

‘’Of course, there was the pressure of being able to manage all this and make everyone happy with all the support we had for the team and everything. So it is a totally different feeling. Also I was not alone on the court. This changes everything.’’