NAGBIGAY ng baby supplies at iba pang kagamitan tulad ng Bravado nursing bras at Medela breast pumps na nagkakahalaga ng $91,500 (P4.1M) ang Frozen star na si Kristen Bell, sa mga inang nangangailangan ng mga ito.

“I understand the importance of having the essential tools necessary to provide for a newborn. Greater still, I am aware of the immeasurable value of having support systems in place to ensure success on this journey of motherhood,” lahad ni Bell sa ABC News. “Anything I can offer in support and care to new moms in need remains a huge priority to me.”

Ang donasyon ni Belle ay sumusuporta sa Baby Buggy, ang non-profit organization na tumutulong sa mga pamilyang nangangailangan ng mga kagamitan, produkto, damit, at pang edukasyon sa mga sanggol hanggang 14 taong gulang.

Sa pagdiriwang na isinagawa noong Martes sa Los Angeles bilang pasasalamat sa tulong na ibinigay ni Kristen, umabot sa 40 ang mga bisitang dumalo na kumuha ng produkto na labis ikinatuwa at ipinagpasalamat ng mga magulang.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“It’s overwhelming to have such amazing support,” sabi ni Alicia Mora. “For me, it’s exciting to see everybody pregnant and all of the mothers sharing in this experience together. It’s pretty good! I’m really happy.”

Gayunman, hindi nakadalo ang 34 taong gulang na aktres sa nasabing pagdiriwang dahil abala siya sa House of Lies.

Nalalapit na rin ang panganganak ni Kristen. Ito na ang pangalawang anak nila ng kanyang asawa na si Dax Shepard, 39. Ang kanilang panganay ay si Lincoln, isang taong gulang. - ABC