Kathryn & Daniel

ALAM ni Kathryn Bernardo na darating din ang panahon na magkakahiwalay sila ni Daniel Padilla bilang magka-love team. Ayon sa teen actress, hindi naman daw habang buhay ay silang dalawa ni Daniel ang magkapareha, kaya kailangang paghandaan niya ang panahon na ‘yun.

“Sa pagkakalaam ko, eh, wala naman yatang magka-love team na forever, eh, kayo lang ang magkapareha. Kumbaga, hindi kayo forever sa isa’t isa. Kahit naman ayaw mo na magkaroon ng ibang ka-love team, eh, hindi naman p’wede ‘yun,” sabi ni Kathryn.

Pero sa ngayon ay hindi muna niya ito iisipin.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

“Masaya ako dahil magkapareha kami. Ayaw ko na munang iisipin ‘yon ngayon, ayaw muna naming isipin na magkaiba ng love team,” sey pa rin ni Kath.

Ginagawa ngayon ni Katrhyn ang Wansapanataym special na “Puppy Ko Si Papi” kasama ang isa sa nga itinatambal sa kanya noon na si Khalil Ramos, hindi si Daniel.

Ipinagmamalaki ng teen queen na silang dalawa ulit ni Daniel ang magkakasama sa remake ng Pangako Sa ‘Yo na pinaghandaan na rin niya. Pero kinakabahan siya tuwing naiisip na baka pagkatapos ng remake ng sikat na serye nina Kristine Reyes at Jericho Rosales ay sa iba naman sila ipareha.

“Sa totoo lang naman, kahit ayaw namin (na sa iba na sila itambal) siyempre hindi naman ‘yon p’wede. Ayaw muna naming isipin kasi nakakalungkot na kasama for almost three years ‘tapos iba bigla ‘yung kasama mo. Well okay lang naman ‘yon. Ayaw ko namang maging selfish sa kanya, p’wede rin siyang i-love team sa iba pero iba lang talaga na comfotable na kayo sa isa’t isa,” sey pa ni Kathryn.

Ipinagpasalamat ni Katrhyn ang sobra-sobrang suporta sa kanila ng KathNiel fans. Kahit nga raw iba ang kapareha nila ay hindi nagbabago ang mga ito sa suporta sa kanila ni Daniel.

“Ang good thing sa KathNiels kasi sinusuportahan kami as love team at sinusuportahan kami as individual. So kapag solo si DJ (Daniel) sinusuportahan nila, kapag ako rin, so thank you,” banggit pa ng sikat na si Kathryn.