blind item shades

NAPILITAN lang palang dumalo sa isang showbiz event ang TV host/ actress para sa promo ng kanyang programa kasama ang aktor na hindi namin mawari kung type siya o pinakikisamahan lang dahil kailangan sa career niya.

"Ayaw talagang dumalo ni __ (TV host/actress) sa showbiz events kasi hindi raw siya mahilig sa party-party, nabo-bore siya.

"Pinakiusapan na lang siya ng EP (executive producer) namin na dumalo siya sa __ (showbiz event) dahil kailangan siyang makita para sa promo nga ng programa nila," kuwentong sa amin ng taga-production.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Ang aktor naman na kasama ng TV host/ actress sa programa niya ang naging escort ng dalaga sa utos din ng EP nila.

Heto na raw ang drama ...

"'Kaloka, pagdating sa venue ay hindi naman sila ang magka-table at hindi rin nag-uusap dahil may kanya-kanya silang kausap at hindi na rin nagpansinan hanggang sa naguwian."

Naibulong din sa amin na plastikan lang ang batian ng TV host! actress at ng aktor na kasama niya sa programa kapag may media dahil kapag sila-sila na lang sa set ay hindi naman talaga nagpapansinan.

Dapat siguro ay ipatupad din sa kanilang network ang batas na bawal na ang plastik.