TUWING may nagaganap na alingasngas sa pamamahala ng ilang opisyal ng gobyerno, halos sabay-sabay ang sigaw ng sambayanan: Magbitiw na kayo sa tungkulin! Ang kanilang kahilingan ay nakaangkla sa masasalimuot na isyu na ang epekto ay nakabalandra sa Aquino administration. Subalit ang kinauukulang mga lingkod ng bayan ay tila bulag, bingi at manhid sa panawagan ng sambayanan. Hindi ba ang pagtanggi na magbitiw sa tungkulin, tulad ng pananaw ng marami, ay singkahulugan ng kawalan ng delicadeza o kawalan ng kahihiyan?
Kamakailan, halimbawa, marami ang nagpahiwatig na si Acting secretary Jannet Garin ng Department of Health (DOH) ay marapat nang magresign dahil sa isyu sa nakamamatay na Ebola virus. nag-ugat ito nang siya, kasama ang iba pang military officials, ay dumalaw sa Caballo Island na kinaroroonan ng ating mga peacemakers na nagmula sa nigeria. Totoo, nagkaroon ng mga pagpapaliwanag at naging kasiya-siya naman ang mga paglilinaw.
Maging si department of Budget and Management secretary Butch Abad ay pinutakti rin ng katakuttakot na ‘mag-resign ka na’. Kaugnay naman ito ng sinasabing pagkakasangkot niya sa kasumpa-sumpang PdAF at dAP scandal, at sa iba pang maseselang isyu. Hindi pa rin siya natitinag.
Sa Philippine National Police (PnP), nakatutulig din ang mga sigaw hinggil sa pagbibitiw ni general Alan Purisima. May kinalaman naman ito sa sinasabing ill-gotten wealth at pagmamay-ari ng malawak na lupain na umano’y hindi nakatala sa kanyang SALN. nagkaroon na rin ng mga paglilinaw tungkol dito bagama’t nakasampa na sa Office of the Ombudsman ang mga asunto laban sa kanya.
Marami pang katulad na mga alingasngas ang binubusisi sa senado, katulad ng mga asunto ni Vice President Jejomar Binay at senate President Franklin Drilon. Subalit iisa ang magkakahawig na paninindigan ng mga nasasangkot sa kaso: Kami ay naglilingkod sa kagustuhan ng Presidente; nasa kanya ang desisyon. Gayunman, isang bagay ang tiyak: Ang delicadeza at pagbibitiw sa tungkulin ay wala sa bokabularyo ng mga nasasangkot sa mga alingasngas.