BB Gandahari

ANO kaya ang magiging reaksiyon ni Robin Padilla mamayang gabi sa Talentadong Pinoy sa pagsayaw sa isang production number ng kapatid niyang si BB Gandanghari na naka-tangga at kasama sina Mariel Rodriguez, Dennis Padilla, at Rommel Padilla bilang “Talentadong Padilla” para sa surprise birthday celebration ng aktor?

Sinadyang hindi ito ipaalam ng production kay Binoe at maging ang asawang si Mariel ay hindi rin nagkuwento. “Gulatan na lang,” sitsit sa amin ng taga-production.

Kaabang-abang din ang pag-upo ni Claudine Baretto, Dennis Padilla at Direk Joyce Bernal bilang talent scouts ngayong gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sasalang sa entablado ang Talentadong Pinoy ng Biñan na si Marvic Alvarez o Amazing Kid na magpapamalas ng galing sa pagba-balance. Bibirit naman si Jadzelle Ventura o mas kilala bilang Simply Called Jadzelle ang Talentadong Pinoy ng Pasig City.

Taga-Cainta naman si Alejandro Baldemoro na sasabak din upang patunayan kung bakit siya tinawag na Tsako Elastiko. Ipapakita naman ni Edmon Villamor ng Novaliches ang natatangi niyang talent sa pagma-magic. Hindi rin magpapahuli si Neil Rey Garcia ng Davao sa kanyang kakaibang talent sa pagkanta at pagbi-beat box.

Star struck pala si Mariel kay Claudine Barretto na idol na niya noon pa at isa sa mga dahilan kung bakit pumasok siya sa showbiz.

Bata pa raw siya nang maging tagahanga siya ni Claudine at sinuportahan niya ang projects ng kanyang idol. Kaya excited siya nang malaman niya na isa si Claudine sa magiging talent scouts at agad-agad siyang nagpa-picture nang magkita na sila sa taping sa studio.