Sinunog ang bahay ng isang barangay official ng mga pinaniniwalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Burias Island, Masbate noong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa 903rd Infantry Brigade, nasa 30 miyembro ng rebeldeng grupo ang responsable sa pagsunog sa bahay ni Barangay Kagawad Oscar Rejuso.

Mabilis umanong kumalat ang apoy sa kabahayan na naging sanhi upang matupok agad ito.

Nabatid na wala namang namatay at nasaktan sa nasabing panununog dahil nataon na walang tao ang bahay.

Internasyonal

DFA, nanawagang itigil ang karahasan sa Syria

May hinala ang militar, ginawa ang pagsunog sa bahay ni Rejuso dahil sa pagsuporta nito sa opensiba ng mga tropa ng pamahalaan laban sa mga komunista.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng 903 Brigade na pinamumunuan ni Col. Cesar Idio sa pagsalakay ng mga NPA. - Fer Taboy