Sa kulungan ang bagsak ng isang aplikante ng police clearance sa Muntinlupa City matapos mabuking na may warrant of arrest ito sa kasong kriminal sa Lipa City, Batangas kamakalawa ng umaga.

Nakakulong ngayon sa Muntinlupa City Police ang akusado na si Roger Awa y Bongalos, 43, residente ng Block 20 Lot 4, Phase 2, Southville Subdivision, Bgy. Poblacion Muntinlupa City at tubong Bicol.

Sa ulat na nakarating sa Southern Police District (SPD), 10:25 ng umaga noong Lunes nang mabangga ng aplikante si Awa si SPO1 Baldovino na nakatalaga sa Clearance Section. Nang beripikahin ng pulis ang record ng suspek sa Management Information System, lumitaw na may warrant of arrest ito mula kay Lipa City Regional Trial Court (RTC) 4th Judicial Region Branch 12 Judge Danilo Sandoval. Agad na inaresto ni Baldovino si Awa.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands