OH NO! ● Sa kabila ng utos ng Malacañang kamakailan hinggil sa pagpapaigting ng seguridad sa Boracay, naisagawa pa rin ng ilang kababayan natin ang kanilang maiitim na balak sa mga turista. Mayroon pa rin silang lakas ng loob na hamunin ang pasensiya ng ating pulisya. May nakapag-ulat na isang German tourist ang hinoldap ng apat na lalaki habang lulan ng habal-habal sa Kalibo, Aklan. Magpapahatid sana ang German sa isang bar sa Brgy. Balabag, subalit dinala umano ito ng driver sa madilim na bahagi ng Mt. Luho at doon siya hinoldap ng tatlo pang kakutsaba na biglang lumitaw sa dilim. Nakuha sa turista ang kanyang cellphone, pitaka, at gintong kuwintas. Hindi lang siya tinutukan ng baril kundi kinuryente pa ng stun gun at saka ito iniwan sa lugar ng pinangyarihan. Narito sa bansa ang German na si John Van Der Velden upang magbakasyon ngunit sa kanyang pagbabalik sa Germany, ano ang ikukuwento niya sa kanyang mga kababayan? Malamang din na babalaan niya ang kanyang mga kaibigan na hindi lahat ng Pilipino ay magiliw at mapagkakatiwalaan. Sasabihin niya marahil, “Visit the Philippines, and experience being held up”. Masakit ito para sa nakararami sa atin na nagsisikap ipamukha sa buong mundo na kahali-halina ang ating bansa upang pamasyalan; ngunit sadyang walang pakikisama ang ilan sa atin.
***
OH WOW! ● Pagnanakaw at holdap ang mga panganib sa Boracay. Kung walang babala o medyo pabaya ang mga turista, takagang magiging biktima sila ng mga kampon ni Satanas. Pero may panganib na ine-enjoy takaga ng mga turista - ang pagsabog ng Mayon Volcano. Kahit pa pangunahing atraksiyon ng Albay ang Mayon, hindi magkukulang ang pamunuan ng lalawiga sa seguridad at ayuda sa mga turistang matitigas ang ulo, mga nagpupumilit na lumapit sa bulkan. Kaya ganoon na lamang marahil ang kanilang kaligayahan nang nagparamdam ang Mayon noong isang araw. Dalawang pagyanig ang naitala ng PhiVolcs. At hindi langbiyon ang nagoakiliti sa mga banyaga, nagkaroon din ng crater glow at pagbuga ng puting usok kung kaya napa-”Oh wow!” sila. Ayon sa PhiVolcs, Ayon sa ahensya, ito ang kanilang rason sa patuloy na pagpapairal ng alert level 3 na nangangahulugang posible pa ring sumabog ang bulkan anumang oras. Huwag sanag pairalin ang katigasan ng ulo ng mga residente na naglalayong bumalik sa kani-kanilang tahanan nang walang pahintulot ng awtoridad.