SARAH Geronimo

TINIYAK ni Matteo Guidicelli na never siyang nagkaproblema sa mga magulang niya at sa lahat ng mga kamag-anak niya sa pakikipagrelasyon niya kay Sarah Geronimo.

Kahit na may pagkakataon na hindi natuloy ang plano niya noon pa na isama si Sarah sa Cebu ay hindi niya nakitaan ng kahit katiting na tampo ang mga kamag-anak niya.

Ganoon pa man, inamin ni Matteo na naka-bonding na ng mga magulang niya si Sarah.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

“They know each other na. Okey naman lahat, masaya naman. Walang problema naman,” sey ng aktor.

Ayon kay Matteo, gustung-gusto ng mga magulang niya si Sarah. Bukambibig nga raw ng mga ito ang girlfriend niya. Ang impression ng mga magulang niya ay mabait na tao si Sarah.

“My parents know best what’s good for me, so okey naman lahat, masaya naman kaming lahat,” napangiting banggit ni Matteo.

Iniiwasan ni Matteo na magkomento tungkol naman sa pamilya ni Sarah. Inamin niyang nagkakilala nang personal ang mga magulang niya at ang mga magulang ni Sarah.

Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin niya nai-date si Sarah na silang dalawa lang?

“Siyempre, girlfriend ko siya, solo ko ‘yan,” maikling tugon ng binata.