Binatikos ng isang grupo ng pharmaceutical firm ang pabago-bagong desisyon ng isang quasi-judicial court hinggil sa isyu ng pag-aangkat at pagbebenta ng generic drug.

“Ang pabago-bagong desisyon ng korte, sa kasong ito ay ang Intellectual Property Officer (IPO), ay nakakaantala ng tamang aplikasyon ng hustisya,” ayon kay Mack Macalanggan, tagapagsalita ng Ferma Drug, Mark Ericcson Enterprises, at Ellebasy Medicale.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng isang multi-national company laban sa IPO ng Bureau of Legal Affairs kung saan inakusahan nito ang tatlong kumpanya ng umano’y paglabag sa Patent Law nang mag-angkat at magbenta ang Ferma, Mark Erricson at Ellebasy ng etericoxib (Xibra), isang anti-inflammatory tablet para sa sakit sa puso, na ayon sa complainant ay kinopya lang sa kanilang produkto.

Una ng ibinasura ng IPO ang petisyon ng naturang multi-national company na maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa tatlong kumpanya.

National

Sen. Imee Marcos, nanawagan ng 'urgent investigation' sa pag-aresto kay FPRRD

Ang desisyon ay pinirmahan ni IPO hearing officer Adoracion Zare at inayudahan ni BLA Director Nathaniel Arevalo.

Ayon sa kanila, ang reklamo ay alinsunod sa Section 2 ng Office Order No. 186 Serior of 201 na kailangan munang magsumite ang complainant ng mga affidavit at orihinal o certified true copy na mga dokumento.

“Hindi rin naging malinaw ang inihaing reklamo ng Merck tungkol sa patentability ng etoricoxib, act of infringement sa pagiimporta at pagbebenta ng gamot. Gayun din, hindi rin nito nasuportahan ang dahilan upang maglabas ng injunctive writ ang IPO at nabigo ring ipaliwanag nito ang irrepatable injury dito,” ayon sa naunang sulat ng IPO.

Kamakailan, bumaliktad ang IPO sa desisyon nito at nagpalabas ng TRO sa tatlong kumpanya.