Ipinagdiriwang ang Universal Children’s Day tuwing Nobyembre 20 upang itaguyod ang pandaigdigang pagkakabuklod ng mga bata. Ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) na kumikilos upang mapahusay ang kapakanan ng mga bata sa 190 bansa, kabilang ang Pilipinas, at tumutulong sa mga aktibidad sa espesyal na araw na ito.

Gingugunita ang Nobyembre 20 bilang pagpapatupad ng United Nations (UN) ng Declaration of the Rights of the Child noong 1959, at ng Convention on the Rights of the Child noong 1989. Ang Declaration ay unang ipinatupad ng International Save the Children Union sa Geneva, Switzerland, noong 1923. Kabilang idot ang basic conditions tulad ng karapatang arugain, gamutin, tulungan, at protektahan laban sa pang-aabuso. Ang Convention, na itinatag sa respeto s dignidad ang halaga ng bawat indibiduwal, ay binubo ng pangunahing mga karapatan tuad ng proteksiyon at pangangalaga, nang walang pasubali sa lahi, kulay, kasarian, wika, o relihiyon.

Ang Universal Children’s Day ay nananawagan sa mga bansa, gobyerno at organisasyon na paigtingin ang pagtugon sa kinahihinatnan ng milyun-milyong bata sa buong daigdig na pinagkaitan ng mga pangunahing pangangailangan ng normal na pagkabata at edukasyon. Ang tema para ngayong taon ay “Children’s Education as Imperative to Sustainable Development.”

Ayon sa UNICEF, taun-taon, milyun-milyong bata sa bawat bansa, bawat kultura at sa bawat antas ng lipunan ang humaharap sa iba’t ibang anyo ng pang-aabuso, kapabayaan, pagsasamantala, at karahasan; ang pang-aabuso ay maaaring mangyari sa loob ng tahanan, sa paaralan, sa mga institusyon, sa trabaho, sa komunidad, sa armadong hidwaan, at sa mga kalamidad. Ang paglaki sa karahasan at pang-aabuso ay nakaaapekto sa paglago ng bata, sa kanyang dignidad, physical at psychological integrity. May tuluy-tuloy na kampanya ang UNICEF – ang End Violence Against Children – upang tugunan ang pandaigdigang isyu na ito.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Ipinagdiriwang ang araw na ito sa iba’t ibang paran sa maraming bansa. Sa Pilipinas, ipinagdiriwang ito sa pagdaraos ng family day, pagbibigay ng regalo, educational tour, art and painting contests. at sportsfests. Sa Thailand, nagpapatupad ang publiko at mga pribadong institusyon ng mga libreng sakay sa bus, pagbisita sa zoo, at panonood ng sine para sa mga bata. Sa Sri Lanka, namamahagi ng mga regalo at pagkain sa mga estudyante. Sa Romania, walang pasok sa eskuwela at may libreng entrance sa mga museo at zoo. Sa Nigeria, public holiday sa mga paaralan na naghahanda ng special stage presentations.

Espesyal ang Universal Children’s Day hindi lamang para sa mga bata kundi pati na rin sa mga magulang at guro. May panahon na ang mga magulang para sa kanilang mga anak maging sa kanilang bahay o sa picnic, pagtungo sa mga museo, zoo, o sinehan. Pinaliliwanag naman ng mga guro sa mga bata ang mga karapatan nito, mga pribilehiyo at proteksiyong laan ng batas.