SANTA BARBARA, Honduras (AP) — Ang dark-haired beauty na nakatakda sanang lumipad sa London nitong Miyerkules para lumaban sa Miss World pageant bilang Miss Honduras ay natagpuang patay kasama ang kanyang kapatid na babae sa isang ilog, at sinabi ng pulisya na ang kasintahan ng kanyang ate ang umaming responsable sa krimen dahil sa pagseselos.

Natagpuan ang mga bangkay nina Maria Jose Alvarado, 19 , at kapatid nitong si Sofia, 23, na nakabaon malapit sa isang spa kung saan sila naglaho anim na araw na ang nakalipas habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng suspek.

Sa isang punto noong gabi ng Nob. 13, nagtalo sina Sofia at Plutarco Ruiz, na nauwi sa pagabril ng suspek sa kanyang kasintahan at sunod na pinaputukan si Alvarado habang ito ay patakas, sinabi ni National Police director, Gen. Ramon Sabillon. Dalawang beses na tinamaan sa likod si Alvarado. Natagpuan ang kanilang mga bangkay noong Miyerkules ng umaga sa Santa Barbara, may 400 kilometro ang layo mula sa kabisera ng Honduras, ang Tegucigalpa.

Ang bangkay ni Maria Jose Alvarado ay isinakay sa likod ng isang pickup truck ilang oras bago sana siya nakatakdang sumakay sa eroplano patungong London para lumaban sa Miss World pageant. Kokoronahan ang winner sa Disyembre 14.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race