SUMASALI pa lang siya noon sa mga male talent and personality contest ay kilalang-kilala na namin ang indie actor na bida sa blind item natin ngayon. Kaya nga gulat na gulat siya nang makita niya kami sa set ng ginagawang indie movie sa imbitasyon ng direktor nila. 

In fairness, nagkaroon na ng aura si Indie Actor kumpara noong dati namin siyang nakakasama sa kung ilang male talent and personality search na sinalihan niya. 

Dahil malapit siya sa amin noon pa man ay lumapit agad siya sa amin na ang akala namin ay kakamayan lang kami. Pero nagulat kami at niyakap niya kami nang buong higpit sabay bulong. 

“Tito Jimi, huwag mong sabihin sa kanila ang mga alam mo sa akin, ha? Please po, nakikiusap ako, sana sekreto lang natin ‘yun,” nakakaawang banggit niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

May mga pangarap din naman si Bagets kaya hindi na namin ikinuwento sa aming kaibigang director ang buhay-buhay dati ni Indie Actor. Bukod kasi sa pagsali-sali sa mga pangkalalakihang kontes ay may mga sideline pa siyang ginagawa.

Pero nang makakuwentuhan namin ang PA ng direktor, agad ininguso sa amin ang indie actor na pa-booking raw if the price is right, huh!

Kung dati ay naiuuwi siya ng mga matrona at bading na sponsor ng pakontes kapalit ang cash prize at titulong mapapanalunan, ngayon ay makapangyarihang mga bading naman ng produksiyon at mayayamang kaibigan ng mga ito ang sinasamahan ng indie actor. 

Paniwalang-paniwala pa naman kami sa ibinulong sa amin ng indie actor na nagbago na raw siya ngayon at hindi na niya ginagawa ang dating sideline niya.

Kung sabagay, totoong nagbago nga siya -- nagbago na ng presyo.

Dati kasi sa barya-barya lang ay sumasama na siya, ngayon libu-libo na pala ang presyo niya.