GUIMBA, Nueva Ecija - Isang 42-anyos na nasibak bilang sarhento ng pulisya sa bayang ito ang natagpuang patay sa gilid ng irrigation road at may isang tama ng bala sa ulo.

Kinilala ni Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Crizaldo O. Nieves ang napatay na si Jonathan De Guzman, 42, alyas “Spider”, ng Barangay Manacsac, Guimba, Nueva Ecija.

Senior Police Officer 2 si De Guzman nang masibak sa serbisyo noong Pebrero 17, 2006 sa hindi natukoy na dahilan.

Isang barangay tanod ang nakadiskubre sa bangkay ni De Guzman sa pagkakahandusay sa gilid ng kalsada sa Sitio Dalaydalayan sa Bgy. Manacsac na may isang tama ng bala ng .45 caliber pistol sa ulo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinabi ni PO2 Jayce Toribio, ng Guimba Police, na inaalam na nila ang motibo sa pagpaslang kay De Guzman.