Nash-Aguas_JIMI-copy

INAMIN ni Nash Aguas na nag-alinlangan siya na tanggapin ang proyektong Bagito ng Dreamscape na nag-umpisa nang mapanood sa telebisyon nitong Lunes pagkatapos ng TV Patrol. 

“Noong una medyo nagulat nga po dahil nga doon sa topic na ‘yon. Ginagawa ko po ito para ma-share ‘yung karanasan ni Andrew, nu’ng character ko po, at para ma-share at maging aware ang mga tao sa ganoong sitwasyon,” sabi ng bagets nang humarap sa presscon pagkatapos ng special screening ng serye sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN noong Linggo.  

Pero nang tanggapin niya kalaunan ang role, talagang pinaghandaan niya nang husto ang proyekto na may ilang gabi pang hindi siya natutulog para lamang basahin at pag-aralan ang role na gagampanan niya sa serye.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang kasama niya sa LUV U na si Alexa Ilacad ang isa sa leading lady ni Nash sa Bagito. Si Ella Cruz ang isa pa. Kuwento pa niya, nag-workshop sila ni Alexa kay Direk Ryan Carlos nang ilang araw at kinabisa nila nang paulit -ulit ang script. 

Kaya no wonder na napakagaganda ng feedbacks sa Bagito. 

“Sobrang natutuwa kami dahil pinaghirapan naming lahat ‘to at masaya kami na na-appreciate nila ang ginawa namin,” banggit pa ni Nash. 

Kasama nina Nash, Alexa at Ella Cruz sa Bagito sina Agot Isidro, Ariel Rivera, Angel Aquino at marami pang iba sa direksiyon ni Direk Onat Diaz ng The Buzz.