JEJU ISLAND, South Korea– Muling ipinamalas ni power-punching Filipina Nesthy Petecio ang kanyang lakas nang isagawa nito ang back-to-back win laban kay Manel Meharzi ng Algeria sa pagpapatuloy ng AIBA World Women’s Championships sa Halla Gymnasium dito.

Walang duda ang isinagawang outcome ng Filipina featherweight (57 kg.) kung saan ay pinaulanan nito ng mga kumbinasyon ang kalaban na siyang nagpayanig sa ulo ng boxer na sinasabing isa sa pinakamahusay na boksingero sa line-up ng Algerian.

Sa third round, napatama ni Petecio sa kanyang kalaban ang three-shot combos na siyang naging dahilan ng Russian referee na ipagkaloob sa Algerian ang dalawang standing 8-counts.

Nakita sa scorecards sa judges ang run-away win para sa Davao del Sur lass matapos ang lopsided scores na 40-35, 40-34 at 40-35.

National

Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 3.9% – PSA

Inalat naman ang flyweight (51 kg.) na si Irish Magno na nagpakawala ng mga bigwas subalit kinapos din ‘di kalaunan kontra sa 2012 World Championships silver medalist na si Terry Gordini. Sumadsad ito sa mas ekspiriyensadong Italian fighter sa identical scores na 36-40 sa tatlong referees sa scorecards.

Nakatakdang sumalang kahapon ang kasalukuyang world light flyweight champion na si Josie Gabuco sa tournament kontra kay Chinese-Taipei’s Pin Meng-Chieh.

Ang event, dinagsa ng 280 boxers mula sa 67 countries, ay magtatapos sa susunod na Lunes, Nobyembre 24.