Pinalawig pa ng reigning 4-time men’s champion Univgersity of Perpetual Help System Dalta ang kanilang winning streak, na umabot na ngayon ng 49 straight games, makaraang walisin ang Mapua sa kanilang ikalawang laro, 25-15, 25-20, 25-18, kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season volleyball tournament sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan.

Nagposte ng 11 at 10 puntos sina Rey Taneo at Allan Jay Sala-an, ayon sa pagkakasunod, upang pamunuan ang nasabing panalo ng Altas na kanilang nakamit sa loob ng isang oras at limang minuto.

Nag-ambag naman ng tig-7 puntos ang beteranong si Bonjomar Castel at si Manuel Diolente sa nabanggit na panalo na nagbaba naman sa Cardinals sa ilalim ng standings matapos sumadsad sa ikalawalang sunod nilang pagkatalo.

Nawalan ng saysay ang game-high 22 puntos na kinabibilangan ng 20 hits at 2 blocks ni Philip Michael Bagalay dahil hindi nito nagawang maingat ang Cardinals dahil na rin sa kabiguang makakuha ng sapat na suporta sa kanyang mag teammates.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Bagamat lumamang sa dami ng hits, 35-29, napaulanan naman ang Cardinals ng blocks service aces ng Altas na nagposte ng 8 blocks at 6 na aces kumpara sa 3 at 0 naman ng huli.

Samantala, sa ikalawang laro, gaya ng inaasahan ay naiposte din ng reigning 3-peat champion Lady Altas ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos gapiin ang Mapua Lady Cardinals, 25-12, 25-19, 25-12 sa women,s division.

Kapwa nagtala ng tig-11 puntos sina team captain Jamela Suyat at rookie Cindy Imbo upang pamunuan ang nabanggit na tagumpay ng Lady Altas ni coach Acaylar.

Dominado ng Lady Altas ang kabuuan ng laro maliban sa net defense at reception kung saan sila naungusan ngf Mapua, 5-3 sa blocking at 15-11 sa reception.

Pinaulanan nila ang Lady Cardinals na sumadsad sa kanilang ikalawang dikit ding pagkatalo ng 39 na hits at 12 aces kumpara sa naitala ng una na 15 at 2 ayon sa pagkakasunod.

Nakapagtala din sila ng 27 digs at 22 excellent sets kumpara sa 19 at 15 naman ng Mapua.