elmo-at-janine-copy-466x500

NAG-PILOT na kagabi, pagkatapos ng 24 Oras, ang More Than Words, ang pinakabagong drama serye na magpapakilig sa Kapuso viewers.

Muling pakikiligin ng reel and real life couple na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez ang mga manonood na sumusubaybay sa kanila simula sa Villa Quintana.

Gumaganap si Janine bilang Ikay, na pinagkakaisahan sa kanyang paaralan dahil sa kanyang kakaibang hitsura at madalas na pananaginip nang gising. Mahilig siyang sumulat ng fiction sa online at lumikha ng karakter tulad ni Katy Perez sa kanyang Diary of a Queen Bee.

National

‘Para pak na pak!’ Impeachment complaint vs VP Sara, next year na dapat tanggapin – Gadon

Kabaligtaran niya si Katy na cool, sikat na babae sa St. Martin’s University, at mayroong dream boy na ang pangalan ay Hiro.

Nang sumunod na araw, nagulat si Ikay nang makita niya ang lalaki na saktung-sakto sa qualities ng dream boy ni Katy sa kanyang Diary of Queen Bee, na gagampanan ni Elmo Magalona.

Nagising si Hiro isang araw sa lugar na hindi niya maalala kung saan pagkaraan ng pagkakaaksidente sa kanya nang nagdaang gabi matapos makipagtalo sa kanyang ina. Nabura ang kanyang memorya, kaya nagdesisyon siyang magsimula ng panibagong buhay, at hindi nagtagal ay nakilala niya si Ikay at nahulog ang kanyang loob dito.

Upang lalong maging kapana-panabik ang kuwento, kasama nina Janine at Elmo sa More Than Words sina Jaclyn Jose (gaganap bilang Precy, nanay ni Ikay); Gardo Versoza (bilang Victor, ang ambisosyong stepfather ni Hiro); Yayo Aguila (bilang Marissa, ang widowed mother ni Hiro); Enzo Pineda (bilang Nate, isang campus heartthrob); Stephanie Sol (bilang Belle, ang queen bee ng Southville Academy); Mikoy Morales (bilang Chester, stepbrother ni Hiro); Mayton Eugenio (bilang Chelsea) at Coleen Perez (bilang Molly, ang mga kasabwat ni Belle sa pambu-bully kay Ikay).

Sa direksyon ni Andoy Ranay, ang More Than Words ay produksiyon ng GMA Drama group na sina Lilybeth G. Rasonable, Senior Vice President for Entertainment TV; Redgie A. Magno, Vice President for Drama; Cheryl Ching-Sy, Assistant Vice President for Drama; Catherine O. Perez, Senior Program Manager; and Arlene Pilapil, Executive Producer.

Ang creative team ay binubuo nina Creative Director Jun Lana; Creative Block Head Jake Tordesillas; Creative Unit Head Aloy Adlawan; Headwriter Marlon Novicio; writers sina Gilbeys Sardea, at Glaiza Ramirez; brainstormers sina Michelle Amog, Patrick Louie Ilagan at Homer Novicio; at concept mula kay Homer Novicio.