Mayroon ba kayong mga reklamo hinggil sa mga road repair at iba pang proyektong pampubliko?

Sa labas ng Metro Manila, ang 16 regional office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay maaari na ngayong tumanggap ng mga reklamo mula sa mga concerned citizen para sa agarang aksiyon ng ahensiya.

Ito ay bunga ng pagpapalawig ng DPWH ng anti-corruption program nito mula sa punong tanggapan nito sa Manila patungo sa ibang rehiyon ng bansa.

“We want to hear people’s point of view on programs and projects, and policies and activities as we are prepared to listen and learn from one another,” pahayag ni DPWH Secretary Rogelio Singson.

National

Amihan, shear line, ITCZ, patuloy na magpapaulan sa PH

Ang DPWH 24/7 Call Center Hotline na 165-02 ay konektado na ngayon sa 16 Regional Office ng ahensiya sa buong bansa.

Ang public engagement ng ahensiya sa pamamagitan ng naturang hotline ang susubaybay at mag-aanalisa ng mga opinyon at isyu na magsisilbing basehan sa pagbabalangkas ng mga alituntunin at pagpapabuti ng kanilang serbisyo.

Sinabi ni Singson na ito ay magiging daan upang agarang mabigyang-pansin ang mga isyung may kinalaman sa DPWH sa pamamagitan ng pagdirekta sa mga ito sa mga nararapat na unit ng ahensiya.

Pinatatakbo ng DPWH Stakeholders Relations Service, and Call Center sa ilalim ng outsourced contract sa Pilipinas Teleserve ang siyang namamahala sa DPWH feedback communication sa mga stakeholder nito at direktang nagbibigay suporta sa programa para sa reporma ni Singson.