Nagpahayag ng suporta ang Malacañang sa hamon ni Justice Secretary Leila de Lima kay acting Health Secretary Janette Garin na sumailalim ito sa imbestigasyon ng Department of Justice (DoJ) sa halip na daanin sa media interviews ang pagkakadawit ng pangalan sa pork barrel scam.

Una nang nagtarayan sina De Lima at Garin matapos magsagawa ng press conference ang huli para magpaliwanag sa kuwestiyonableng P833.67-milyon na pagbili ng DoH sa mga bakunang anti-pneumonia, gayundin sa pagkakasangkot ng opisyal sa diversion ng P5-bilyon congressional pork barrel fund sa pamamagitan ng National Agribusiness Corp. (Nabcor).

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na sa anumang imbestigasyon ay dapat na sagutin ang mga alegasyon sa tamang forum at hindi sa media.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20