Isang lalaki ang patay habang sugatan ang dalawang iba pa matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Barangay Lawaan, Roxas City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ng Roxas City Police Station ang napatay na biktimang si Nicholas Ibañez at malubhang nasugatan na magkapatid na sina Mark Alojado at Jose Alojado.

Binabagtas ni Ibañez ang highway sa Barangay Lawaan dakong 8:00 ng gabi noong Sabado nang bumangga ang motosiklo nito sa isa pang motorsiklo ng magkaangkas na sina Alojado.

Ideneklarang dead on arrival si Ibañez sa Capiz Doctors Hospital habang dinala sa Western Visayas Medical Center ang magkapatid na Alojado na kapwa sugatan sa insidente.

National

Mga residente sa Bicol region, stranded dahil sa malawakan at lagpas taong pagbaha

May hinala ang pulisya na lasing si Ibañez habang sakay ng kanyang motorsiklo ng ito ay sumalpok sa sinasakyan ng magkapatid na Alojado.