Zanjoe-Marudo_MELL

NILALAGNAT si Zanjoe Marudo nang dumalo sa presscon ng bago niyang seryeng Dream Dad na ipalalabas na sa Lunes, Nobyembre 17, kapalit ng nagwakas ang Pure Love.

Nakita pa namin siyang uminom ng gamot nang mag-excuse during the presscon at pumunta ng men’s room dahil naubo.

Ngaragan daw kasi ng taping ang Dream Dad na sa Calatagan, Calauan, at San Pedro, Laguna ang locations.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Parating tatay yata ang papel na ginagampanan niya, ito na rin ba ang gusto niya.

“Hindi naman sa ito lang ang gusto kong gawin, ito naman kasi ‘yung in-offer at napakaganda ng story, first time ko ring gagawa ng teleserye na ganito ka-light, kasi ‘yung last ko (AnnaLiza), sobrang heavy drama, so ngayon ang sarap gumawa ng ganitong klase na light lang,” sagot ni Zanjoe.

Sobrang napamahal sa kanya si Andrea Brillantes na itinuring niyang parang tunay na anak sa AnnaLiza at gayundin ang bagets na mas gusto siyang maging ama kaysa kay Piolo Pascual na kasama nito ngayon sa Hawak Kamay.

“Sabi ko na nga,” natawang sabi ni Zanjoe, “mas guwapo ako kay Piolo, ang bata hindi nagsisinungaling.”

Inabot pala ng apat na buwan ang audition sa paghahanap ng gaganap na bata, say ni Ms. Ginny Ocampo, ang kanilang business unit head.

“Kaya po matagal kasi feeling namin, very crucial ‘yung role sa Dream Dad at nagpapasalamat kami kay Zanjoe kasi ang tiyaga niya talaga, hangga’t maaari nandoon siya para sa look test at ‘yung chemistry,” sabi ni Ms. Ginny.

“Actually nu’ng nakita ko pa lang siya sa (McDonalds) commercial niya, na-excite na ako. Do’n pa lang, wow, ang cute naman ng batang ito. Excited ako sa project kaya kahit anong look test na ipagawa basta’t libre ako basta para sa show, okay ako, kasi sa kaka-audition, minsan inisip ko baka ako pa ‘yung mapalitan,” natawang kuwento ng aktor.

Kung mahirap ang papel ni Zanjoe sa AnnaLiza ay kabaligtaran naman dito sa Dream Dad dahil anak-mayaman at may mataas na posisyon sa kumpanya ang role niya.

At ang nakita ni Zanjoe kaya napili si Janna Agoncillo para gumanap na anak niya sa Dream Dad?

“Nakikita ko na ang magiging tandem namin ni Janna kasi napaka-cute ng batang ito. Napakanatural niyang umarte at napakagaling niyang mag-deliver ng lines,” say ng aktor.

Itinuturing ba niyang paghahanda ang tatay roles dahil magiging tunay na ama na rin siya sa lalong madaling panahon?

“Hindi naman nawawala sa isip ko na balang araw ay magiging tatay din ako, siyempre hindi pa tama ang panahon, marami pang dapat i-consider, and pangarap ko naman talaga na maging tatay at magkaroon ng anak kasi nagiging close sa mga ibang bata. Siyempre gusto ko sa totoong buhay, maging close rin ako sa anak ko,” pahayag ng aktor.

Makakasama nina Zanjoe at Jana sa Dream Dad sina Maxene Magalona, Beauty Gonzales, Yen Santos, Ana Feleo, Katya Santos, Ketchup Eusebio, Ariel Ureta, at Gloria Diaz mula sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.