ILOILO – Dumagsa sa Facebook ang reaksiyon ng mga karaniwang mamamayan ng Iloilo kasunod ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Senado sa umano’y overpricing sa Iloilo Convention Center (ICC).

Bagamat may ilang kumampi sa nag-aakusang si Atty. Manuel “Boy” Mejorada, karamihan sa mga Ilonggo ay nakasuporta kay Senate President Franklin Drilon, isa ring Ilonggo.

“It’s only during his time that Iloilo been place in the map as a progressive city. The true Ilonggos are behind you, Senator Drilon!” sabi ni Architect Antonio Sangrador.

Dismayado rin ang mga Ilonggo sa pahayag ni Mejorada na nagbansag sa Iloilo bilang “bird’s nest of corruption.”

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Sarkastiko naman ang ilan sa kawalan umano ni Mejorada ng matibay na ebidensiya kaugnay ng sinasabing overpricing sa pagpapagawa ng gusali na pagdarausan ng dalawang pulong ng 2015 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Kaugnay nito, umuugong ang mga panawagan online para ideklarang persona non grata si Mejorada sa Iloilo City at sa buong Iloilo. - Tara Yap