June 05, 2026

Home BALITA

Terry Ridon, pinasilip laman ng ‘maleta’

Terry Ridon, pinasilip laman ng ‘maleta’
Photo Courtesy: Terry Ridon (FB)

Patuloy na sinakyan ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang umiinit na usapin patungkol sa male-maletang pera na natanggap umano ng mga kongresista mula kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Sa latest Facebook post kasi ni Ridon nitong Biyernes, Hunyo 5, ibinahagi niya ang larawan ng isang maletang naglalaman ng mga mangga at wig.

“Maleta pa more,” saad ni Ridon sa caption.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Paorder nga po ng isang IMPEACH MANGO PIE sa jalibi"

Probinsya

Isang buwaya, nasagip sa Kidapawan!

"Hahahah gusto ko yung level of petty mo, Brod! "

"Napa shampoo na ba yang mga Wig na yan? Sarap ng mangga."

"Dapat pala cong nagsabi ka sa akin, madami akong mangga sa bahay"

"Bakit mangga? Dapat penoy balut din."

"Haha, pahingi mangga!"

Matatandaang kabilang si Ridon sa mga inakusahan ng 18 dating sundalo na nakatanggap umano ng maleta sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Hunyo 4.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ni Ridon sa isang panayam at sinabing wala umanong ipinadala sa kaniyang maleta.