KRIS-Aquino-copy

IISA ang tanong ng lahat ng Kapamilya viewers, nasaan daw si Kris Aquino sa Christmas Station ID 2014 ng ABS-CBN?

Inere na ang station ID ng Kapamilya Network noong Huwebes at halos lahat ng artistang sikat at empleyado ay kasama pero hindi nasilayan ang Queen of All Media.

Tinext namin si Kris kahapon tungkol dito pero hindi kami sinagot kaya ang personal assistant niyang si Alvin Cagui ang tinanong namin at ang sabi ay tulog pa raw dahil napuyat sa shooting ng Feng Shui 2.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sabagay, araw-araw na ang shooting ni Kris kasama si Coco Martin para umabot sa deadline ng pelikula nila sa MMFF 2014.

Inisip na lang namin na hindi pinayagan ni Direk Chilo Roiio si Kris na lisanin ang shooting para mag-shoot naman ng Christmas station ID ng ABS-CBN.

Baka naman may part two pa ang station ID 2014 ng ABS-CBN at doon lalabas ang Queen of All Media?

Ano sa tingin mo, Bossing DMB?

(Absence makes the heart grow fonder ba ang nangyayaring ito? Hindi natin alam ang dahilan, hindi rin siya nag-reply sa text ko kahapon. Kung anu-ano na naman tuloy ang espekulasyon . Baka sakaling mag-post sa Instagram, abangan natin. - DMB)