Problema sa pagpapakain at pagbuhay sa limang maliliit na anak ang sinasabing dahilan kung bakit nagawa ng isang 29-anyos na ginang na wakasan ang kanyang buhay sa pagtalon sa isang sapa sa Binondo, Manila nitong Miyerkules ng hapon.

Dakong 3:00 ng hapon nang mamataan ang bangkay ni Cyra Jacob, residente ng 565 Valderama Street, Delpan, Binondo, Manila na nakasubsob sa maburak na sapa ng Reigna Regente sa Binondo, na noong una ay napagkamalang manikin.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), ang kapatid nitong si Cyril, 21, ang nag-ahon sa bangkay ni Jacob na huling nakitang buhay dakong 8:00 ng umaga habang naliligo ang tatlong anak.
National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa