Sa tuwing maghuhugas ako ng pinggan pagkatapos namin kumain sa bahay, naaalala ko ang aking koneksiyon sa aking ina at lola. Naaalala ko ang kanilang mga payo, ang kanilang mga kuwento, at ang masasayang mga sandali namin doon sa Dumaguete. Habang isa-isa kong kinukuskos ang mga plato sa mabulang liquid dishwashing paste, para na ring nawawala ang mga negatibong pananaw ko sa buhay. Ginagamit ko ang paghuhugas ko ng plato bilang isang oportunidad na huwag mag-isip ng kahit na ano maliban sa mga bagay sa lababo na dapat kong linisin – isang cleansing meditation.

Nagkaroon ako ng inspirasyon na maglinis ng iba pang lugar sa bahay. Nakatulong sa akin ito upang makita ko ang ilang mahahalangang punto sa aking buhay. Unti-unti kong naunawaan na karamihan sa atin ay sobrang abala sa pagtatanggol ng ating mga kamalian, at dahil dito, kinakapos na tayo ang liwanag at enerhiya upang ituwid ang mga iyon.

  • Paglilinis ng sala. – Gawin mong mas kaaya-aya ang espasyong ito ng iyong bahay upang makaimbita ka ng mas maraming kaibigan sa iyong buhay. Sa pagkakaibigan, makalilikha ka ng support system o paraan ng agapayan lalo na sa panahon ng iyong kagipitan, kaya nakahada kang imbitahin ang iyong mga kaibigan sa loob ng iyong tahanan.
  • Eleksyon

    Hontiveros sa pagkandidato ni Quiboloy: 'Magkaroon naman kayo ng kaunting hiya'

  • Paglilinis ng silid-tulugan. – Sa malinis at maayos na tulugan, nakadadagdag ito sa maginhawang pagpapahinga, ng mahimbing na pagtulog. Pinasisigla nito ang relasyon ng mag-asawa. Nagdudulot ito ng positibong enerhiya at nakaaakit ng angkop na atensiyon.
  • Paglilinis ng kusina. – Itinataboy ng malinis at maayos na kusina ang masasamang elemento na may kaugnayan sa kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya. Kung malusog ang pamilya, may mabuting pananaw sa buhay.
  • Paglilinis ng damitan. – Nakatutulong ito sa pagsuko ng mga bagay na hindi mo na kailangan sa buhay upang makita mo ang tunay na mahalaga. Maibabahagi mo sa iba ang iyong pinaglakihan (o pinagtabaan). Sa damitan (o aparador), muli mong matutuklasan ang iyong ibinaon na mga yaman, at ang luma ay muli na namang bago.